-+= *@@@# +@@@@@= .@@@@@@@. =@@@#@@@+ -+******++=-:. %@@@#@@@= .:-=++******+- .*@*::......:--=--:: -@@@@*@@%@. ::--=-::......::*@*. @@#@# =@@@@+@@@@: #@#@@ .==%@.*@: =@@@@+@@@@: .@+.@%=-. .@%=@*:@* -@@@@+@@@@: *@.*@=%@. #@.*@ %@ :@@@@+@@@@ @#.@*.@* :@+:@=-@= @@@@+@@@# =@-+@:+@. #@ %% @% -@@@*@@@: %@ @% @# :@=-@-+@- #@@+@@* -@+=@-=@: #% @%.@# =@@+@% %@.%% %# -@-+@-*@. *@+%. :@#:@=-@- %#.@#:@+ *+. *@-#@ %% =@.*@.%@ -: .@%.@+:@= @*.@+=@= :: +@=+@.#@ +@ *@.@@ : @@ @*.@= @+:@=*@#########*+=:. . .-=+*######*##@+=@:+@ *@ #%**#@@@@@@@@@%%###*=:.:=*###%%@@@@@@@@@%*+@% @= .@**@@@%#+=-:. .:-=+#%@@@*+@ *#+-. :-+#+
Komunidad ng Panitikan
Sa paglalakad mo sa bangketa, napapansin mong bawat tahanan ay may taong nakaupo sa kanilang mesa, nag-susulat sa mga lumang journal o nagmamadaling nagtatatype sa mga gamit nang mga keyboard. Kung hindi sila nagsusulat, nasa pintuan sila at tinitignan ang langit o ang mga taong dumaan, na puno ng kuryosidad at paghanga sa kanilang mga mata. Napapansin mo na halos lahat dito ay mga manunulat, bawat isa sa kanila ay puno ng malalim na kaalaman sa wika at sining. Nahuhumaling ka sa kanilang kalooban, at nais mong malaman pa ng higit pa.
- Speech community
- Ito ay isang grupo ng mga tao na pagbabahagi ng mga patakaran para sa pagpapalaganap at interpretasyon ng hindi bababa sa isang uri ng wika o diyalekto. Maaring gamitin ang terminong ito sa isang barangay, lungsod, rehiyon, o bansa. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
- Magpara ng tricycle at bumalik sa paradahan ng tricycle
- Lumapit sa isa sa mga manunulat at tingnan ano ang kaniyang ginagawa
- Tiningnan ka niya na parang kakarating mo lang sa mundo. Ngumiti siya sayo at binigyan ka ng lugar sa tabi niya para umupo rin.
“Ang nobelang sinusulat ko ay tungkol sa dalawang indibidwal na matagal nang hinahanap ang kanilang tadhana. Ngunit, hindi nila inaasahan na tila mahahanap nila ito sa iba. Noon, nararamadaman nila na wala silang lugar sa mundo na ito, datapwat sa isa't-isa nila ito nahanap. Ngunit kahit nais nila magkasama sila habang-buhay, hindi sila pinapayagan ng kanilang mga magulang. Kaya nagiikubli sila sa syodad para lang makapagmahalan sila.”
Nabigla ikaw sa mga ginagamit niyang mga salita. Marunong ka naman magsalita ng Filipino, ngunit hindi kasinlalim ang pagsalita niya sa iyong nakasanayan. Tunay na may karunungan sa lahat ng mga salita na maaaring gamitin. Lahat sa kanila dito ay ganito magsalita: malalim at may katalinuhan.